Imagen del autor

Lualhati Bautista (1945–2023)

Autor de Dekada '70

11 Obras 297 Miembros 4 Reseñas 2 Preferidas

Sobre El Autor

Incluye el nombre: Lualhati Bautista

Créditos de la imagen: via Goodreads

Obras de Lualhati Bautista

Etiquetado

Conocimiento común

Miembros

Reseñas

A short novel about the American Bases in Olongapo
 
Denunciada
EmanLacaba | Apr 12, 2018 |
Unang beses kong nabasa at ginawan ng book report ito noong grade school pa ako noong early 90s. Sa murang edad pa lamang ay nagkaroon ako ng kahit na kaunting kaalaman sa kung ano ang mga posibleng nangyari noong panahon ng Martial Law sa bansa.

Mas ma-a-appreciate basahin ito ng mga estudyante na nasa grade 7-10 dahil sa mas mature na ang isip nila sa ganitong usapin.
 
Denunciada
fugou | Aug 14, 2017 |
Katulad ng Dekada 70, unang beses ko ding nabasa ito noong nasa grade 3 ako. Sa tulad ko noon na wala pang muwang sa mga nangyayari sa tunay na buhay ng ibang tao, nakakagulat na para sa akin na ang isang tulad ni Leah ay magkaroon ng dalawang anak sa magkaibang lalaki. Siguro nga ay masyado pa akong bata noong unang beses ko na mabasa ito dahil sa hindi ako handa sa mga katotohanan ng buhay sa mundo.

Kung sakali mang makakabasa man ang mga bata na wala pa sa tamang edad, dapat ay magabayan sila ng mga magulang nila para masagot ang mga magiging katanungan nila.… (más)
 
Denunciada
fugou | otra reseña | Aug 14, 2017 |
[Naalala ko ang librong ito ay binasa ko kasama ang aking kaibigan noong high school.]

Ang papel ng mga kababaihan ngayon ay iba na sa nakagawian. Noon, ang mga babae ay kailangang nasa loob lamang upang gumawa ng mga gawaing bahay, mag-alaga ng bata at pamilya. Ni hindi pwedeng makipagsalitan ng mga kuro at usapan. Hindi rin pantay ang karapatan sa mga kalalakihan at hindi nabibigyan ng tsansang tumayo sa sariling paninindigan.

Ngayon, katulad ng tauhang si Lea, siya ay nagpapakita na ang mga babae ay nakakapagpahayag na ng mga saloobin. Sila rin ay nabibigyan na ng spasyo, lugar at kalayaan na magkaroon ng karapatan at ng totoong papel sa buhay. Nakikita na ring nakikipaglaban para sa kalayaan, karapatan at mga kaisipan; Nakikipaglaban din sa mga abuso, kawalang karapatan ng tao at hindi kapantay o patas na karapatan sa mga kalalakihan.

Ang nobelang ito ay nagpapakita ng relasyon ng bawat tao sa isang pamilya at sa lipunan. Napakaraming karakter ang ginampanan ni Lea sa nobelang ito: isang ina, asawa, mamamayan at isang babae. Marami siyang napatunayan tungkol sa pagiging babae tulad ng hindi porket babae ka’y wala ka nang boses sa lipunan. Sa panahon ngayo’y marami nang nagagawa ang mga kababaihan. Ngunit tulad ng mga babae mula pa noong unang panahon, ang kanilang kahinaan ay hindi nagbabago, ang kanilang asawa at anak. Ang matigas na puso ng mga babae ay hindi maaaring hindi mapalambot ng dalawang taong itong pinakamahalaga para sa kanila. Dito umiikot ang kanilang mga buhay at inilalaan ang buong pagkato. Iyan si Lea na mayroong sariling prinsipyo, pananagutan, at mga paang kayang tumayo sa sariliniyang kakayahan.

Ipinapakita rin sa nobela kung paano ang hirap ng pagpapalaki sa mga anak. Hindi ito ganoon kadali lalo pa sa isang magulong sitwasyon tulad ng pamilya ni Lea. Ang mga bata ay mayroong iba’t ibang katanungan na humihiling ng kasagutan. Mahirap sa isang magulang na sabihin ang kasagutan sa mga tanong na ito lalo pa’t kung ito ay maselan sa murang isip ng isang bata. Ngunit gaya ng pagpapalaki ni Lea kina Maya at Ojie ay sa murang edad pa lamang ang mga ito nang ipinaintindi na niya ang kanilang sitwasyon. Ayaw niyang magtampo sapagkat ika nga niya: ang katotohanan ay hindi dapat ikinakahiya. Hinayaan niya ring magkaroon ng karapatan at kalayaan ang kanyang mga anak at itinuring na isa ng mamamayan na hindi dapat pinapakialaman ang buhay sapagkat mayroon na silang sariling isipan.

Ang sitwasyon ni Lea ukol sa kanyang mga asawa ay hindi na alintana sa panahon natin ngayon. Marami na ang taong naghihiwalay at nagkakaroon muli ng asawa at anak sa ating lipunan. Tangggap na ito ng tao at hindi na isang isakandalong sitwayon kung ituring. Ngunit ang mga mata ng tao ay higit na mapanghusga. Kaya’t ang pinakamagandang gawin na lamang ay huwag itong pansinin sapagkat kung ikaw ay magpapadala sa mga pang-iinsulto, ang iyong paglaki at pagtuklas sa mga bagay-bagay sa paligid ay maaaring huminto at hindi ka na umunlad kailanman.

Kailangan nating ipaglaban ang ating karapatan sa lipunan mula sa mga api hanggang sa mga nawalan ng mga karapatan at kalayaan. Kailangang matuo tayong sumigaw at iparating ang boses sa buong sambayanan na ang bawat tao’y pantay-pantay lamang na nagdaraan sa mga pagsubok na ibinibigay ng Diyos at ang bawat isa’y kailangan ng pagmamahal at suporta galing sa mga taong nagmamahal sa kanila.
… (más)
 
Denunciada
phoibee | otra reseña | Apr 23, 2017 |

Premios

También Puede Gustarte

Estadísticas

Obras
11
Miembros
297
Popularidad
#78,942
Valoración
4.1
Reseñas
4
ISBNs
23
Idiomas
2
Favorito
2

Tablas y Gráficos